Bakit mahirap para sa isang bansa ang maging kolonya​

Sagot :

Answer:

Pagiging isang Kolonya

Mahirap para sa isang bansa ang maging isang kolonya sapagkat na-eexploit ang mga katutubong populasyon at ang mga likas na yaman ng isang bansang nasasakop. Isang magandang halimbawa ang Pilipinas – dahil sa pagsakop sa atin ng mga Kastila, maraming bagay tungkol sa ating kasaysayan ang nawala. Sinunog ng mga paring Kastila ang mga likha ng ating mga ninuno dahil ito daw ay gawa ng diablo. Marami ding mga kasulatang isinulat sa baybayin ang sinira ng mga Espanyol.

Ganito rin ang naging epekto ng pagiging kolonya ng ibang mga bansa:

  • Pinagmalupitan at pinapatay ng hari ng Belgium na si King Leopold ang napakaraming tao sa Congo
  • Ang mga ginto ng mga Aztec, Maya, at Inca sa Mesoamerica ay ninakaw ng mga Espanyol
  • Ninakaw ng mga Briton ang mga diamante sa South Africa at India
  • Inexploit ng mga taga-Netherlands ang mga likas na yaman ng Indonesia
  • Kinuha ng Japan ang lahat ng yaman ng mga nasakop nilang bansa sa Timog-Silangang Asya, na binansagan bilang “Yamashita’s Treasure”

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa kolonisasyon, bisitahin lamang ang link na ito:

https://brainly.ph/question/419185

#BrainlyEveryday