1. Ang lahat ng pagpapahalaga o tungkulin ay nagsisimula sa;
a. mga kapatid b. sarili c. magulang d. paaralan
2. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
3. Ang taong nagtataglay ng talinog ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika.
a. kinesthetic c. musical/rhythmic
b. existential d. visual/spatial
4. Ang mga sumusunnod ay mga hakbang upang matuklasan ang iyong hilig, MALIBAN sa
a. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
b. Siyasatin ang mga gawaing nakakapagpasigla sa iyo
c. Alamin ang hilig ng kaibigan at gawin na rin itong hilig
d. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan at paboritong gawin
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagkakaroon ng di-angkop na hilig sa isang trabaho o Gawain, maliban sa:
a. Ikaw ay nababagot
b. Ipinagpapaliban mo ang mga gawaing ito
c. Iiwasan mo ang gawaing di mo gusting gawin
d. Nagsisikap kang matapon ang iyong mga gawain