I. Isulat ang I kung tama ang isinasaad ng pangungusap at M naman kung mali.
1. Sa Foliar Application Method ang pataba ay ikinakalat sa ibabaw ng lupa.
2. Ang organikong abono ay mga pataba na katulad ng compost na galling sa mga
duming binulok na dahon ng mga halaman at iba pang bagay na maaaring
matunaw.
3. Ang pag-iimbentaryo ay isang mahalagang gawain ng isang may-ari ng
tindahan dahil ito ang pagtatala ng mga pinamili, naipagbill at natirang
paninda.
4. Sa Basal Application Method ang pataba ay inilalagay sa lupa na hindi gaanong
malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng isang kagamitang
nakalaan para rito. O
5. Ang abono o pataba ay mahalaga sa mga pananim.
6. Ang tubig ay mahalaga sa buhay ng halaman.
7. Ang urea ( 46-0-0) at complete fertilizer ( 14-14-14) ay mga halimbawa ng
gor mga di-organikong abono.
8. Ang halaman ay kailangang bungkalin ng 2 hanggang 3 beses sa isang linggo.
9. Ang magaling na nagtitinda ay hindi nagbabalik ng tamang sukli sa mga
mamimili.
10. Ang plano ng gawain ay isang mabuting gabay sa paggawa upang makatiyak
na magiging matagumpay ang negosyo.​