1. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng tao ang nasa tamang pagkakasunosunod ayon sa Teorya ng Ebolusyon?
a. Homo Erectus, Homo Habilis, Homo Sapiens
b. Homo Erectus, Homo Sapiens, Homo Habilis
c. Homo Habilis, Homo Erectus, Homo Sapiens
d. Homo Sapiens, Homo Erectus, Homo Habilis
2. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa katangian ng makabagong tao MALIBAN sa:
a. Ang pagbabagong anyo at gamit ng ngipin dahil sa mga pagkain
b. Ang paglaki ng utak kumpara sa isang nilalang na "primate"
c. Ang paglalakad ng tuwid sa pamamagitan ng dalawang paa
d. Amg maitim na balat ay pumuti dulot ng pagbago-bagong klima at kapaligiran
3. Ang mga sumusunod na katangian ay tumutukoy sa pamumuhay ng mga tao noong Panahon ng Lumang Bato o "Paleothic Age"?
a. May mga gamit na yair sa magagaspang na bato
b. Nakatuklas sa paggamit ng apoy
c. Nangunguha ng makakain sa kapaligiran
d. Tumira sa mga kweba bilang permanenteng tirahan
4. Ang Ziggurat ito ay tumutukoy sa isang likhang arkitektura na naging sentro ng pamumuhay sa bawat pamayanan sa Kabihasnanag Sumer at ito ay kilala bilang isang:
a. Daluyan ng patubig para sa mga sakahan
b. Mahabang pader bilang proteksyon laban sa mananalakay
c. Piramide para sa mg Pharaoh
d. Templo na binubuo ng maraming palapag
5. Ang Harappa ay isang punong-lungsod sa Kabihasnang Indus na kilala sa mga pangunahing katangian nito MALIBAN sa:
a. Maayos ang mga arkitektura tulad ng mga bahay na karaniwang yari sa bato
b. Maraming kalye na may daluyan tubig
c. May cunieform sa mga pampublikong lugar bilang sistema ng pagsulat
d. May mga kusina at karaniwan gbinubuo ng mga palapag ang gusali