Answer:
Likas na Yaman sa Aming Bayan
Ako ay nakatira sa lalawigan ng Rizal, at ang mga likas yamang matatagpuan dito ay ang mga sumusunod:
- Yamang Lupa – ang mga lupain sa Rizal ay mayaman, at dahil dito, nakakapagtanim ang mga tao ng iba’t-ibang mga puno at halaman. Ang pinakatanyag na produkto ng Rizal mula sa agrikultura ay ang mga kasoy ng Antipolo.
- Yamang Tubig – Nakaharap ang katimugang bahagi ng Rizal sa Laguna de Bay, at ang mga isda at iba pang mga lamang dagat ang nagsisilbing yaman na aming nakukuha mula sa anyong tubig na ito.
- Yamang Kagubatan – ang mga kagubatan ng Sierra Madre na matatagpuan sa silangang bahagi ng Rizal ay pinagkukuhanan din ng mga troso.
- Yamang Mineral – mayaman ang lalawigan ng Rizal sa marmol at mga calcite na ginagawang semento.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga likas yaman, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/5729464
brainly.ph/question/8192731
#BrainlyEveryday