A. Panuto: Isulat ang konsepto na inilalarawan sa bawat bilang. 1. Itinatag ang pamahalaang ito upang supilin ang mga Pilipinong patuloy na nakikipaglaban sa bansa. 2. Ipinatupad ang batas na ito upang masukol ang mga gerilyang nagtatago sa mga liblib na pook o pamayanan. 3. Ipinatupad ito upang pumayag ang mga Pilipino na manumpa ng katapatan sa mga Amerikano. 4. Ipinanukala ang susog na ito na nagbigay-daan upang palitan ang pamahalaang militar sa pamahalaang sibil. 5. Kaparusahang kamatayan o mahabang pagkabilanggo ang sinumang lumabag sa batas na ito.