Explanation:
Nararapat lamang na alalahanin natin na maging responsable sa lahat ng aksyon at desisyon na ating gagawin. Sa kadahilanang ang pagiging responsable ay isang kaaya-ayang ugali na dapat taglayin ng lahat ng tao. Makikitaan na ang responsableng tao ay gumagawa ng mga bagay na mabubuti hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi kanyang isinaalang-alang din niya ang kapakanan ng kanyang kapwa. Iniisip niyang maigi ang kinahihinatnan ng kanyang desisyon kung nakakabuti ba o nakakasama ito sa nakararami.