Walang tuwirang sagot sa tanong na ito. Pero tandaan natin na ang Judaismo ay ang sistema ng relihiyon ng mga Judio. Hindi lubusang nakasalig sa Hebreong Kasulatan ang iba’t ibang anyo ng Judaismo noong unang siglo C.E. Ang isa sa pinakaprominenteng dibisyon ng Judaismo, ang mga Saduceo, ay hindi naniniwala sa turo ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli at sa pag-iral ng mga anghel. Sa mga bagay na ito, tahasan silang sinalungat ng mga Pariseo, isa pang maimpluwensiyang sanga ng Judaismo. Gayunman, pinawalang-bisa ng mga Pariseo ang Salita ng Diyos dahil sa kanilang maraming di-makakasulatang tradisyon. Marami ang nahirapang tumanggap kay Kristo, hindi dahil sa Kautusan, na sa totoo’y nagsilbing tagapagturo na umaakay tungo kay Kristo, kundi dahil sa di-makakasulatang mga tradisyong iyon.