Sagot :
Answer:
Ang organikong pataba ay gawa sa binulok na dumi ng hayop o halaman na ang itsura ay parang lupa, ngunit ligtas sa mga organismong nagdudulot ng sakit.
Dagdag pa rito, ang organikong pataba, likas man o pinalakas (fortified), ay nagtataglay ng hindi bababa sa 20% organikong bagay o organic matter (OM) kung pinatuyo sa oven at ito ay may kakayahang magbigay ng mga sustansiya sa halaman.
Tinatawag namang pampakondisyon ng lupa o sangkap ang iba pang mga bagay sa lupa na hindi nakaabot sa pamantayan bilang organikong pataba.
Mabaho ba ang Organikong Pataba?
Ang organikong pataba na may magandang na kalidad ay walang mabahong amoy. Kung ang organikong pataba o kompost ay amoy maasim, nabubulok, maanta, o may mabahong amoy, ang ibig sabihin nito ay hindi pa kumpleto ang pagkabulok kaya huwag munang gamitin ang organikong pataba. Muli itong bulukin hanggang mawala ang mabahong amoy.
Benepisyo sa Paggamit ng Organikong Pataba
Sa mga mabuhanging lupa, ito ay nagpapataas sa kakayahan ng lupa na manatiling mahalumigmig o basa na siyang nagiging dahilan para maging madali sa mga ugat na makakuha ng sustansiya. Subalit, sa mga bahaing lupa, hindi ito nangyayari.
Nagpapataas ng populasyon ng mga organismong tumutulong sa mahusay na pagpapalit-anyo ng pataba sa lupa, mula anyong organiko hanggang maging anyong maaari nang magamit ng halaman.
Kung sa mga kamang punlaan ginamit, mas madali ang pagbunot sa mga punlang halaman.
Pinananatili nito ang pagiging matatag na istraktura ng lupa.