kahulugan ng salitang silibisasyon​

Sagot :

Ang sibilisasyon ay isang masulong na yugto ng kaunlaran ng isang lipunan. Nagmula ang salitang sibilisasyon sa Latin na civis na may ibig sabihing isang taong naninirahan sa isang bayan. Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang mabisa at matatag na pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lamang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sapamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal,pamahalaan, at kakayahan makapagtanggol ng sarili.