magbigay ng apat na salitang may kaugnayan sa kahulugan ng salitang responsibilidad​

Sagot :

Ang apat na salitang may kaugnayan sa kahulugan ng salitang responsibilidad ay Tungkulin, pananagutan, obligasyon, gampanin.

Responsibilidad ng isang tao ang bawat kilos na kanyang gagawin. May pananagutan siya sa anumang desisyon na kanyang ibibigay kaya anuman ang gawin natin sa buhay, kung saan man tayo papanig sa nag-uumpugang bato, isipin muna natin ang responsibilidad na nakaatang sa gagawing desisyon.

Responsibilidad o tungkulin din nating igalang ang desisyon ng iba at suportahan sila kung para sa atin ito ay nakakabuti sa nakararami. Responsibilidad o gampanin din natin bilang mamamayan ang magbigay suporta sa layunin ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagsunod sa batas.

Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:

https://brainly.ph/question/8796494

#LetsStudy