Answer:
Nagiging pinagkukunang- yaman ang anumang bagay, may buhay man ito o wala. Napagtatanto ng mga tao ang halaga ng anumang bagay o ang kapakinabangan nito upang mapunan ang kanilang pangangailangang ekonomiko. Ang mga tao ay nagiging maparaan upang magamit ang mga bagay sa paligid para sa ikabubuti ng kanyang kalagayan. Sinumang naghahangad ng anuman ay kinakailangang magkaroon ng mga pinagkukunang-yaman.
Explanation: