1. Matatag na Pamahalaang may Maunlad na Batas at Alituntunin
Masasabi nating ang isang kabihasnan ay nagtataglay ng isang matatag
na pamahalaan. Ang matatag na pamahalaan ay kakikitaan ng isang maunlad
na batas at alituntunin. Ang ibig sabihin nito, ang isang lipunang kabihasnan
ay may sistematikong batas at alituntunin na sinusunod ng mga mamamayan
upang magkaroon nang maayos na pamamalakad sa bawat paggawa at
pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa't-isa.​