Sagot :
Answer:
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY
1. Nagpapahiwatig -> ang tawag sa pahayag na hindî direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan nitó ay masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagtulong ng St. Agnes Academy sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ay NAGPAPAHIWATIG ng pagiging Benedictine School nitó.
2. Nagpapakita -> nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.
Halimbawa:
Ang tulong mulâng iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang NAGPAPAKITA sa likas na kabutihang-loob ng mga tao anuman ang kulay ng balat at lahing pinanggalingan.
3. May Dokumentaryong Ebidensiya -> ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan, o video. Sa madaling salita, ang ginawang pagtulong ng St. Agnes Academy, halimbawa, ay naibalita sa pahayagan o nakuhanan ng larawan o video.
4. Nagpapatunay/Katunayan -> ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
5. Taglay ang Matibay na Kongklusyon -> ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba o impormasyon.
6. Kapani-paniwala -> nagpapakitang ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
7. Pinatutunayan ng mga Detalye -> Makikita mulâ sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.
Halimbawa:
PINATUTUNAYAN lámang NG nabanggit na MGA DETALYE na ang St. Agnes Academy ay isang tunay na Benedictine School