Nawalan ng trabaho ang tatay ni Rosie dahil
sa Enhanced Community Quarantine.
Naglalabada lang ang kaniyang nanay at
pansamatalamg hindi rin ito
nakapaghahanapbuhay. Naisip ni Rosie na gamitin
ang cellphone na mayroon siya upang makapag
online selling. Sa pagtutulungan ng kanilang mag
-anak ay natustusan nila ang pangangailangan sa
araw-araw. Bukod pa rito, pinili niya na ituloy ang
kaniyang pag-aaral sapagkat alam niya na hindi
makahahadlang ang pandemya sa pagtupad niya
sa kaniyang pangarap.
1. Naunawaan kaya ni Rosie ang kalagayan ng kanilang pamilya? Bakit mo ito
nasabi?
2. Paano nakatulong ang pasya ni Rosie na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral
para sa kaniyang kabutihan, gayundin ng kaniyang pamilya?
3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Ipaliwanag.​