Answer:
Ang Digmaang Pilipino–Amerikano (Ingles: Philippine–American War, Kastila: Guerra Filipino–Estadounidense) ay ang armadong hidwaan sa pagitan ng Unang Republikang Pilipino at ng Estados Unidos na tumagal mula Pebrero 4, 1899 hanggang Hulyo 2, 1902. Ang naturang digmaan ay pagpapatuloy ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan na nagsimula noong 1896 sa pagsiklab ng Himagsikang Pilipino. Tinutulan ng mga Pilipino ang nakapaloob sa Tratado ng Paris na naglilipat ng pagmamay-ari ng Pilipinas sa Estados Unidos mula sa Espanya upang mawakasan ang Digmaang Espanyol–Amerikano.