Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong pang-unang kaalaman, kakayahan at pang-
unawa tungkol sa pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiko ng Asya. Handa ka na
ba? Simulan mo na.
Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kuwadernong pang aktibiti.
1. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng lupa sa buhay ng tao?
A. Dahil ang mga produktong galling sa lupa ang bumubuhay sa tao upang
matugunan ang kanilang pangangailangan
B. Dahil kailangan ng tao ang lupa upang matustusan ang kanilang mga
sariling hangarin
C. Dahil sa mga pangangailangan na dapat matugunan
D. Dahil kailangan upang mabuhay ang tao ayon sa kanilang interes sa buhay
2. Anong bansa sa Asya ang may malubhang problema ng salinization?
A. Pilipinas
B. Japan
C. Bangladesh
D. Malaysia
3. Alin sa sumusunod ang nagiging dahilan sa pagkasira ng lupa?
A. Ang pagkatuyo ng mga lupa
B. Paggulo ng lupa
C. Pagrami ng punong kahoy
D. Pagtaba ng lupa
4. Ano ang matinding suliranin ang kakaharapin kapag patuloy ang pagkasira ng
lupa?
A. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pagkain at panganib sa kalusugan
B. Maaaring magdulot ng kakulangan sa pangangailangan
C. Maaaring magdulot ng kawalan ng hanap-buhay sa mga mamamayan.
D. Pagkakaroon ng di inaasahang sakuna.
5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng Asya?
A. Pagkasira ng lupa
B. Pagkawala ng biodiversity
C. Urbanisasyon
D. Pangangalaga sa likas na yaman
6. Paano maiiwasan ang problemang kinakaharap ng urbanisasyon sa bawat bansa sa
Asya?
A. Pagpapaalis sa mga tao sa mga lungsod
B. Pagsasagawa ng mga programa para sa mga mamamayan upang mabigyan
ng kabuhayan upang malutas ang kahirap.
C. Paghikayat sa mga tao na lumipat sa ibang lugar upang umalis sa mga
lungsod.
D. Patuloy na pagtaas ng populasyon.
7. Sa patuloy na pagtaas ng urbanisasyon sa bawat bansa sino ang lubos na
deriktang naaapektuhan?
I. Ang pamahalaan ng bawat bansa
II. Kalusugan ng mamamayan ang lubos na maaapektuhan
III. Pagdami ng mga mahihirap
IV. Pagdami ng negosyo sa bawat lugar​