4. Nang matapos ang digmaan, isa-isang nilapitan ni Matabagka ang katawan ng mga pumanaw. Sinubuan niya ng isang ngangang nakapagbibigay ng buhay ang bawat isa sa mga patay. Nawala ang sugat ng mga ito, at ilang saglit pa, muli silang nakahinga, at muli silang nabuhay.