Sagot :
Pang-Uri at Kaantasan Nito
Salungguhitan ang mga pang-uri makikita sa bawat at suriin ang kaantasan nito.
1. Ang aming ama ay saksak ng sipag.
- Pasukdol
2. Higit na maganda relasyon naming magpapamilya pagkatapos ng nangyari trahedya sa amin.
- Pahambing
3. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
- Pahambing
4. Nagkaroroon ako ng bagong kaalaman kung paano ka mapaunlad ang aking buhay.
- Lantay
5. Di gaano magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay na nais kong mangyari sa aking buhay.
- Pahambing (ang di gaano ay ginagamit sa Pahambing na hindi magkatulad)
- Lantay naman kung ang salitang magulo lang ang tinutukoy.
6. Ang liit na tampuhan ng madaling nalulutas sa ngayon.
- Lantay
__________
Dagdag Kaalaman: Pang-uri at Kaantasan Nito
Ano ang Pang-uri?
Ang Pang-uri o adjective sa ingles ay salita o grupo ng salitang naglalarawan sa pangunahing paksa ng pangungusap.
Hal. Maganda, Mabait, Matulungin
Kaantasan ng Pang-uri
[tex]\orange{\boxed{Lantay}}[/tex]
Ang Lantay ay ang mga salitang pang-uri na simple lamang at walang paghahambing o hindi paghahambing na pinapakita.
Hal. Matalinong bata si Bea.
[tex]\pink{\boxed{Pahambing}}[/tex]
Ang Pahambing ay mga salitang pang-uri na ginagamit sa paghahambing ng dalawang bagay o paksa. Maaaring ito ay magkatulad o magkaiba. Ang dalawa pang uri nito ay paghahambing na magkatulad at paghahambing na hindi magkatulad.
Hal. Mas mabuting bata si Sarah kaysa kay Lea.
Hal. Magkasingtangkad si Sam at Brian.
[tex]\red{\boxed{Pasukdol}}[/tex]
Ang Pasukdol ay ginagamit na sa paghahambing ng isang bagay bilang mas angat kaysa sa iba pa. Halimbawa nito ay saksakan ng, ubod ng, hari ng.
Hal. Saksakan ng bait ang batang iyon!
_______
#CarryOnLearning