Answer:
Ang heograpiyang pantao (Ingles: human geography), kilala ring antropoheograpiya (Ingles: anthropogeography), ay isang sangay ng heograpiya na nag-aaral sa mga tao at ang kanilang komunidad, kultura, ekonomiya, at ang pakikipag-ugnayan sa kapaligiran nito sa pamamagitan ng pag-aaral sa kanilang mga relasyon sa iba't ibang mga lokasyon. Sinusuri nito ang mga pattern ng pakikipag-ugnayang panlipunan ng tao, ang pakikipag-ugnayan nito sa kapaligiran, at ang malawakang pagtutulungan (spatial interdependencies) nila gamit ng mga paraan sa pananaliksik ng kahusayan (qualitative research) at dami (quantitative research).