Ang palatanungan o kuwestiyonaryo ay isang pangkat ng nakalimbag o nakasulat na mga tanong na mayroong mapagpipiliang mga sagot, na idinisenyo para sa mga layunin ng isang naig-sukat, pagsusuri, pag-uusisa o pagsisiyasat o pag-aaral na pang-estadistika. Isa itong kapangkatan ng mga katanungan na inisip at ibinalangkas bilang isang metodo ng pananaliksik upang makatamo ng mga kasagutan para sa mga tiyak na mga tanong.