Sagot :
Liham
Ito ang paraan ng pag-uusap sa pamamagitan ng pagsusulat. Naglalaman ito ng saloobin at intensyon mo para sa isang tao na sinusulatan mo na nais mo ipabatid o ihatid sa kaniya. Maaaring magpadala ng liham sa mga kaibigan, magulang, kapatid, at marami pang iba.
Liham ng pasasalamat sa aking pamilya:
Mahal kong pamilya,
Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng ginawa ninyong suporta, pagpapagala at pagmamahal sa akin. Salamat dahil nariyan kayo palagi para sa akin anuman ang tinatahak kong landasin sa tunguhin ko. Ramdam ko ang buong ninyong suporta sa akin at mahal na mahal ninyo ako. Tunay na pinahahalagahan ko ang lahat ng ito, at kayong pamilya ko ang tumutulong sa akin na magpatuloy sa buhay at gawin ang buong makakaya ko para makamtan ko ang mga hangarin ko. Ginabayan ninyo ako sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ko at hinuhubog ninyo ako lagi sa tama. Kaya salamat sa walang sawang payo ninyo sa akin at pag-iingat sa aking buhay. Maituturing ko kayong regalo sa akin ng Diyos na lagi kong minamahal. Muli, maraming maraming salamat sa lahat ng ginawa ninyong suporta sa akin. Mahala ko kayo!
Nagmamahal,
(pangalan mo)
Sa ating pagsusulat at pagbibigay ng liham, malaking bagay ito sa mga nakakabasa lalo na kung ito ay mahal natin sa buhay. Nagbibigay ito ng ligaya sa kanila, na napapasaya mo ang puso nila. At sa pamamagitan nito, naitatawid mo ang nais mong iparating kahit di mo masabi ng personal o kaya naman ay kung nasa malayo ka.
Kung ikaw mismo ay may pagnanais pang makapagbasa ng higit pang detalye hinggil sa ating paksa, maaari pang magtungo at bisitahin ang mga link na ito na nasa ibaba:
Isang bukas na liham para sa matalik na kaibigan na na nagsasabi ng pasasalamat at pagmamalasakit: brainly.ph/question/24549042
Isang halimbawang liham tungkol sa mga taong nagpakita ng pagmamahal at pag-aalaga: brainly.ph/question/2128975
Isa pang halimbawang liham na pasasalamat para sa isang kaibigan: brainly.ph/question/23664711
#BrainlyEveryday