Sagot :
Answer:
1. ARALIN 3: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan
2. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad. Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment. Tinataya naman ang kakayahan at kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad. Prevention and Mitigation
3. Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat bigyang pansin ang Pisikal at Temporal na katangian nito. Hazard Assessment
Explanation:
Can i receive brainliest mark? Please