18. Ang kakapusan at kakulangan ay magkaibang konsepto ngunit mayroon silang isang pagkakapareho. Alin sa mgasumusunod ang pagkakapareho ng dalawa? a Pareho silang takda ng kalikasan kaya wala nang magagawa ang tao b. Ang mga ito ay pansamantala lamang at maari pang lutasin ng mga tao c. Ang dalawa ay bunga ng di-tugmang plano ng produksiyon at pagkonsumo d. Sa pag-iral ng dalawa, may mga pangangailangan at kagustuhan na di matutugunan 19. Ang pagkonsumo ay bahagi na ng buhay ng tao dahil lahat ng tao ay konsyumer. Bakit may pagkonsumo? a. Kung walang pagkonsumo di makararanas ng kakapusan. b. Ito ang dahilan kung bakit lumilikha ng produkto at serbisyo. c. Ito ang paraan upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. d. Ito ay paraan upang maibahagi ang mga pinagkukunang-yaman sa mga tao ayon sa pangangailangan ng tao. 20. Ang mga salik ng produksiyon ay lupa, paggawa kapital at entrepreneurship. Ang mga ito ay itinuturing na mahalaga dahil a. Ang mga ito ang pinagmumulan ng kita ng mga tao b. Kapag wala ang mga ito hindi magiging makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks. c. Ang mga ito ang lulutas sa sa suliranin ng kakapusan na araw-araw na hinaharap ng mga tao. d. Kapag pinagsama-sama ang mga ito, makakalikha ng produkto at serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao