bilang isang mag aaral paano mo masasabi na nawawala na Ang pananalig mo sa diyos ?​

Sagot :

Bilang isang mag-aaral, paano mo masasabi na nawawala na ang pananalig mo sa Diyos?

Masasabi ko na nawawala na ang pananalig ng isang tao sa Diyos kung ang buhay niya ay bumabalik sa dating nakagawian, ligaw siya, walang kabuluhan ang kaniyang mga ginagawa at hindi binabahagi ang mga nalalaman tungkol sa Diyos at Bibliya.

Buhay ay bumabalik sa dating nakagawian

Kapag buo ang pananalig mo sa Diyos, buong buo ring magbabago ang iyong buhay. Ngunit dahil nawawala ang iyong pananalig ay babalik ka sa dating nakagawian. Halimbawa ay bumalik ang isang tao sa pagnanakaw at paninigarilyo dahil nawawala na ang pananalig niya sa Diyos.

Ligaw na ang landas

Ligaw na ang landas ng buhay ng taong hindi nananalig. Mawawalan ng saysay ang kaniyang buhay at hindi alam kung saan ang papupuntahan.

Walang kabuluhan ang kaniyang ginagawa

Dahil ligaw at nawala ang pananalig, mawawalan ng kabuluhan ang kaniyang ginagawa. Ang kaniyang kilos, pag-iisip at pananalita ay hindi para sa kapurihan ng Diyos.

Hindi binabahagi ang nalalaman sa Diyos at Bibliya

Ang isang indibidwal na nawalan ng pananalig ay nawawala rin ang nalalaman tungkol sa Bibliya. Malalaman mo na lamang kung ang bukambibig niya ay makamundong bagay at wala na itong binabahaging Magandang Balita.

____________

#CarryOnLearning