itala ang iyong mga nalaman sa davao​

Sagot :

Answer: Ito ang lugar na puno ng buhay. Ang lugar na kumakatawan sa parehong sinauna at makabagong panahon. Ang pook na puno ng kulay, artipisyal man o natural. Iba’t ibang tao na nagkakaisa para sa ika-uunlad ng siyudad. Higit sa lahat, ito ang pook na magpapakita sa iyo kung ano ang tunay na kahulugan ng ganda at saya. Halina’t mamangha sa itinatagong kayamanan ng siyudad ng pag-asa at buhay.

Ito ang Davao City, tanyag sa katagang King City of the South. Oo, dito nagmula ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na mula sa Mindanao. Ito’y itinatag noong 1903 hanggang 1914 ng mga Moro, kung kaya’t hindi nakakapagtakang binubuo ito ng 11 tribong namumuhay nang mapayapa at na nabibilang 1,600,000 populasyong nananahan sa akin. Ito’y itinuturing bilang isang highly urbanized na siyudad at isa rin sa mga sentro ng komersyo at kaunlaran sa Mindanao. Kaya’t di nakapagtatakang nagtataasan at nagtatayugan ang mga gusaling nakatayo sa iba’t ibang parte ng itong kalupaan at maraming sasakyang dumaraan sa aking mga kalye. Nabibilang ito sa probinsya ng Davao del Sur at nahahati sa tatlong distrito.

Explanation:

i hope it helps po