Sagot :
Lingid sa kaalaman ng karamihan, maraming mga impluwensiya ang mga Tsino sa Pilipinas. Hindi lamang pagdating sa kalakalan at mga murang produkto ang impluwensiya ng mga Tsino sa ating bansa. Narito ang ilan pa sa mga impluwensiya ng mga Tsino sa Pilpinas:
- paggamit ng payong
- mga pagkaing Tsino
- mga larong galing Tsina
- iba't ibang mga kagamitan (kagaya ng porselana, pilak, tsinelas, bakya, at iba pa)
- mga damit (kagaya ng blusang walang manggas, maluluwag na pantalon, camisa de chino at iba pa)
- paggamit ng mga paputok
Mga Impluwensya ng mga Tsino sa Pilipinas
- Ang mga nakalista sa itaas ay ang mga impluwensiya ng mga Tsino sa Pilipinas.
- Ang mga ito ay karaniwang parte na ng ating mga buhay kaya hindi natin namamalayan na ang mga ito pala ay galing sa bansang Tsina.
Mga Halimbawa ng mga Pagkaing Tsino sa Pilipinas
Narito ang mga halimbawa ng mga pagkaing nagmula sa mga Tsino:
- siomai
- siopai
- okoy
- mami
- pansit
- lumpia
- chopseuy
- lugaw
- taho
Mga Halimbawa ng mga Larong Tsino sa Pilipinas
Narito ang mga halimbawa ng mga larong nagmula sa mga Tsino:
- sungka
- mahjong
- pagpapalipad ng mga saranggola
Iyan ang mga halimbawa ng mga impluwensya ng mga Tsino sa Pilipinas. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong basahin:
- Ano ang kultura ng Tsina? https://brainly.ph/question/394990 at https://brainly.ph/question/418859
- Ano ang pamumuhay, kultura, lipunan at paniniwala sa Tsina? https://brainly.ph/question/445643