Taong 1976 nang unang maiulat ang kaso ng Ebola virus disease na unang tinawag na Ebola haemorrhagic fever, kumpara sa ibang vital illness ay itinuturing ng World Health Organization (WHO) na mapanganib ang Ebola dahil na rin sa mas madali itong naisasalin o maaring maihawa sa iba, ang death rate nito ay nasa 90 porsyento kaya naman kailangan ang maagap na pagtugon sa karamdamang ito.