tawag sa kasunduan sa pagitan ng dalawang panig





Sagot :

Ang kasagutan ay KONTRATA.  

Ano ang Kontrata?

Ang kontrata o contract sa wikang Ingles ay terminong ginagamit sa kasunduan ng dalawa o higit pang mga partido o panig na dumaan sa legal na proseso. Nangangailangang nakasaad rito ang pinagkasunduan ng dalawang panig at nararapat lamang na ito ay naaayon din sa mga batas.  

Anumang dahilan o pangyayaring makapagpuputol sa napagkasunduang kontrata ay mayroong kaukulang kapalit o kabayaran na naaayon rin sa batas, maaari rin itong nakasaad sa mismong kontratang napagkasunduan.  Subalit mayroong mga konsiderasyon na maaaring maging dahilan ng pagsasawalang bisa ng isang kontrata.

Binuo ang kontrata upang mas mapatibay ang isang kasunduan gayundin upang bigyan ng proteksyon ang bawat partido o panig na lalagda sa nasabing papeles na nagsasaad ng kanilang kasunduan.

#LetsStudy

Mga halimbawa ng kontrata:

https://brainly.ph/question/2236997