Sagot :
Limang Halimbawa ng Anapora
- Sina Chloe at Cassandra ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay mahilig mag-aral.
- Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay mga sikat at tinitingala na artista ngayon. Sila ay ginagaya at nirerespeto ng lahat.
- Si Jose Rizal ay ang pambansang bayani ng mga Pilipino. Siya ay matapang sa paghahayag ng mga maling gawain sa kapwa niyang Pilipino.
- Ang bahaghari ay napakaganda. Ito ay nagbibigay kulay sa himpapawid.
- Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na kayamanan ng isang bansa.
Limang Halimbawa ng Katapora
- Ito ay ang pinakadakilang trabaho. Ang pagiging ina ay walang katumbas na halaga.
- Ito ay napakalaking parke. Ang Luneta Park ay isang makasaysayan na parke.
- Ito na yata ang pinakamalaking pasyalan sa buong Pilipinas. Ang Mall of Asia ay kilala sa napakaraming tindahan ng kung anu-anong produkto, pagkain, at iba pa.
- Ito ay ang banal na aklat. Ang bibliya ay nagbibigay sa atin ng gabay.
- Siya ay ang tinaguriang ama ng katipunan. Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
Anapora
Ang Anapora ay :
- panghalip na ginagamit sa hulihan, panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap
- reperensiya na kalimitan ay isang panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng pangungusap
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa Anapora, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/78089
Katapora
Ang Katapora ay:
- panghalip na ginagamit sa unahan, pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan
- panghalip na nasa unahan ng pangungusap bilang kahalili ng pangngalang nasa gitna o hulihan ng pangungusap
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa Katapora, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/71847
Kohesyong Gramatikal
Ang kohesyong gramatikal o cohesive devices ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi magpaulit-ulit ang mga salita. Ito ay mga panghalip.
Halimbawa:
- Ito
- Dito
- Doon
- Iyon
- Sila
- Siya
- Tayo
- Kanila
- Kaniya
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kohesyong gramatikal, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/875010