Sa panahon ng Renaissance ay natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo, sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong paguugali,at sa paggalang ng pagkatao ng isang indibidwal.Indibidwalismo ang binigyang pansin ng Renaissance kaya hindi nakapagtataka na maraming pagbabago ang naganap sa buhay ng tao. Ang malayang pagiisip ng tao ang nagpalawak ng kaniyang ideya at pananaw sa buhay kaya nagsimula ang pagbabago sa sining at agham.