ano ang ibig sabihin ng pahayag


Sagot :

Ibig Sabihin ng Pahayag

Ang salitang pahayag ay binubuo ng unlaping pa- at salitang ugat na hayag. Ang ibig sabihin nito ay ang pagsasawika ng nasa isip. Ito ang paghahatid o pagsisiwalat ng mensahe, damdamin, o opinyon sa iba tungkol sa iba't ibang bagay. Isa itong paraan para ipabatid ang iyong saloobin. Ang pagpapahayag ay maaaring pasulat o pasalita.

Mga Halimbawang Pangungusap

Narito ang ilang pangungusap gamit ang salitang pahayag upang mas maintindihan ito:

  • Sang-ayon ka man o hindi ay kailangan mong respetuhin ang pahayag ng pangulo.

  • Pahayag mo sa buong mundo kung gaano mo kamahal ang tatay mo. Hanapin mo siya.

  • Maraming drayber ang nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa balitang magtataas na naman ang gasolina.

Salitang Tagalog at Kahulugan:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly

Answer:

Para ipaliwanag kung ano ang ibig gustong sabihin

Ang salitang pahayag ay isang uri ng salitang maaaring maituring na pangngalang pambalana dahil ito ay tumutukoy sa isang ngalan ng isang bagay.

Maaaring mangahulugan ang pangngalan na pahayag ng mga sumusunod:

1. Isang akda na naglalayong ihayag ang damdamin ng manunulat.

2. Isang dokumento na maaaring magamit sa mga ligal na bagay.

3. Isang pangungusap na maaaring tama o mali.

Explanation:

Hope it helps you