ano ibig sabihin ng salitang prayle

Sagot :

Ang salitang prayle o friar sa Ingles ay nangangahulugan na isa sa mga miyembro ng mga misyonaryo na nagpakalat ng Katolisismo. Sila ay pinamamahalaan ng isang superior general. Sila din ay dapat tumutupad sa vow of poverty, chastity at obedience. Sila ang naging maimpluwensya sa Pilipinas noong panahon ng Kastila at naging dahilan din sa pagpapahirap sa madaming mga Filipino. Ilan sa mga order ng prayle ay ang Dominikano, Franciskano, Augustinian at mga Karmelito.

Mga Prayle sa Pilipinas

Maliban sa pangangasiwa sa usaping pangrelihiyon, ang mga prayle din ay namahala sa mga usaping sibil. Sila din ang namahala sa eleksyon sa mga gobernadorcillo at kabeza. Sila din ang may hawak sa listahan ng mga mamamayan ng isang lugar. Dahil dito naging makapangyarihan ang mga prayle sa panahon ng Kastila.  Ang salitang prayle ay naging kasingkahulugan na din ng pinuno o lider para sa mga sinaunang Pilipino.

 

Padre Damaso

Isa na siguro sa pinakatanyag na prayle sa literatura si Padre Damaso na ama ni Maria Clara. Sinasabing nakipagrelasyon si Padre Damaso kay Doña Pia at naging bunga nito si Maria Clara.  

Mga Paaralan

Marami ding mga paaralang pribado na pinamamahalaan ng mga order ng prayle sa Pilipinas ngayon. Ilan na dito ang University of Santo Tomas at ang Ateneo de Manila. Ang mga sinaunang mga eskwelahan din ay pinamahalaan ng mga simbahan--ang mga tinawag na parochial schools.

Para sa dagdag kaalaman:

Organisasyon ng Katolikong Simbahan: https://brainly.ph/question/2441082

Taon ng Pagpunta ng mga Order: https://brainly.ph/question/975314