ano ang kahulugan ng ''ang nahuhuli ay nauuna,at ang nauuna ay nahuhuli ?

Sagot :

Answer:

Kahulugan ng ''ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay nahuhuli"

Ang katagang ito ay may malalim na pagpapakahulugan. "Ang nahuhuli ay nauuna" ibig sabihin nito, ang mga taong nahuhuli ay may posibilidad na mauna dahil bago sila gumawa ng aksyon o pasya, pinag-iisipan muna nilang mabuti bago gumawa ng hakbang na magawa ito. Hindi nila iniisip na sila ay mahuhuli dahil ang mas nangingibabaw sa kanila ay ang pagkakaroon ng tamang resulta na sinuri at pinag-isipan kahit nagtagal ang proseso ng mahabang panahon at nakasisigurong tama ang landas na kanyang tinatahak.

"Ang nauuna ay nahuhuli" umaakma ito sa mga taong padalos-dalos sa mga desisyon, dahil sa kagustuhang mauna hindi na nila iniisip o sinusuri ang mga maaring mangyari sa kanilang gagawing desisyon, wala silang pakialam sa resulta basta ang gusto lamang nila ay mauna at makalamang ng kapwa kaya may posibilidad silang mahuli rin dahil kung mali ang kanilang naging desisyon at aksyon maaring bumalik sila sa unang hakbang.

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na:  

brainly.ph/question/12284  

#BetterWithBrainly