Anu sa tagalog yung motivation?

Sagot :

Tagalog ng Motivation

Ang motivation ay salitang Ingles na motibasyon sa salitang Tagalog. Motibasyon ang literal na tagalog sa pagsasalin ng salita. Ang iba pang kahulugan o katumbas ng salitang motibasyon ay ang mga sumusunod;

  • Inspirasyon
  • Dahilan ng paggawa ng isang bagay
  • Pagkakaroon ng Interes
  • Nag-udyok upang gawin
  • Naghikayat upang gawin

Sa ibang salita, ang motibasyon ay ang sanhi o dahilan ng paggawa ng isang bagay. Maaaring ito ang udyok upang ipagpatuloy o magpursige sa isang hangarin o ninanais. Ang motibasyon ang sinasabing pagkakaroon ng lakas ng loob at pagharap sa lahat ng pasubok sa pagpapatuloy ng buhay.

Paggamit sa Motibasyon sa Pangungusap

  • Ang pamilya ko ang aking motibasyon upang magtrabaho sa ibang bansa kahit mahirap.
  • Motibasyon ko ang pag-ahon sa kahirapan kaya nagsusumikap akong makatapos ng pag-aaral.
  • Nawawala sa landas at tinatamad ang mga kabataan kapag wala silang motibasyon sa buhay.

Para sa ibang kahulugan ng motivation https://brainly.ph/question/95061

Para mabasa ang ibang related na imporasyon tungkol sa motivation https://brainly.ph/question/1010130

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagtatagumpay ng Isang tao https://brainly.ph/question/1583400

#BetterWithBrainly