Kahulugan ng Melodrama
Ang melodrama ay isang uri ng dula. Ito'y tumutukoy sa isang dula na may malulungkot na sangkap o bahagi. Bagamat malungkot ang mga pangyayari rito, ang wakas nito'y kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan. Ang dulang ito'y humihikayat ng pagkaawa sa protagonista at pagkamuhi sa antagonista. Isang halimbawa nito ay Sarimanok ni Patrick C. Fernandez.
Mga Uri ng Dula
Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan. Bukod sa melodrama, may iba pang uri ng dula. Narito ang ibang uri nito at kanilang kahulugan:
- Trahedya - Ang tema ng dulang ito ay mabigat at nakakaiyak. Ang mga tauhan ay kadalasang nasasadlak sa kabiguan at kamalasan. Ito ay nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan.
- Parsa - Ito ay naglalayon na magpatawa sa pamamagitan ng mga pananalitang nakakatawa. Ito ay gumagamit ng eksaheradong pantomina at clowning.
- Komedya - Ang dulang ito ay nagpapahayag ng mga biro, nakakatawang kilos o iba pang sangkap na nakatutuwa. Ang wakas nito ay kasiya-siya. Ito ay kaiba sa parsa dahil ito ay higit na seryoso at kapanipaniwala.
- Saynete - Ang paksa ng dulang ito ay karaniwang mga ugali.
Pagkakatulad ng melodrama sa iba pang uri ng dula:
https://brainly.ph/question/174377
#LearnWithBrainly