Sagot :
Apat na Aspekto ng Pandiwa
Ang pandiwa ay mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay may apat na aspekto, perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo, at perpektibong katatapos.
Perpektibo
Ito ang pandiwa na naganap na, natapos na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
- kinain
- tinapon
- naglaba
- sumulat
- kumanta
Imperpektibo
Ito ang pandiwa na kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Dito ay inuulit ang ilang pantig ng salita at ginagamitan ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
- kumakain
- tinatapon
- naglalaba
- sumusulat
- kumakanta
Kontemplatibo
Ang pandiwa ay hindi pa nagaganap. Ito ay mangyayari pa lamang. Inuulit din ang ilang pantig at karaniwang ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
Halimbawa:
- kakain
- magtatapon
- maglalaba
- magsusulat
- kakanta
Perpektibong Katatapos
Ang pandiwa naman na ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Ito ay ginagamitan ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang pantig ng salita.
Halimbawa:
- kakakain
- katatapon
- kalalaba
- kasusulat
- kakakanta
Para sa kahulugan ng pandiwa at panlapi, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/1871210
#BetterWithBrainly