Kung ating obserbahan ng maigi ang takbo ng ating pamahalaan ang isang bagay na agad ay ating makikita ay ang kawalan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan sa marami sa ating mga namumuno at mga halal na opisyales ng bayan tungkol sa plano at direksyon ng pamamahala at sa mga programa na dapat ipatupad. Kahit na ang mga magaganda at maayos na mga proyekto na nais ipatupad ng mga nasa kapangyarihan ay kinikwestyon ng mga nasa kabila imbes na suportahan upang mapadali ang pagpapatupad at makamit naman ng taong bayan ang mga benepisyo nito. Ito ang nagiging sanhi ng mabagal na pag-usad ng ating bansa at tayo ay napag-iiwanan ng ating karatig bansa sa Asya.