Mula pa noong sinaunang panahon, partikular noong madiskubre ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga kagamitang yari sa bato at buto ng hayop, mahilig na ang mga taong gumawa ng mga palamuti. Ang mga palamuting ito ay kadalasang tumutukoy sa kasarian o sa kalagayang panlipunan ng mga nagsusuot nito.
Ilan sa mga rito ay mga kuwintas, pulseras, hikaw o singsing na gawa sa mga mamamahaling bato at mga buto, sungay, o ngipin ng mga hayop.