Ito ay isang agham panlipunan na pinag-aaralan ang paraan ng
interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran; kung paano niya ito binabago
at kung paano din siya nababago o naaapektuhan ng kalikasan.
Pinag-aaralan dito ang relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika,
mga lungsod,populasyon, kultura at iba pa.
Sinusuri nito kung paano naaapektuhan ng panlipunan, pangkultural,
pampulitika at pang-ekonomiyang proseso ang espasyo (space) at lugar, sa
pamamagitan ng pag-imbestiga sa mga paksa tulad ng: mga rural at
siyudad na komunidad; kalusugan at kapakanan; sustanibilidad
(sustainability); globalisasyon; terorismo at seguridad. Inaalam ng mga
heograpong pantao ang mga dahilan kung paano nababago ng tao ang
kapaligiran, kung paano siya nakakalikha ng panibagong lugar na may
kahulugan, at kung paano nababago ng kapaligiran ang paraan ng pamumuhay
ng tao; ang interaksyong ito ang pangunahing sinusuri sa Heograpiyang
Pantao.