halimbawa ng tulang modernista



Sagot :

Tulang ModernistaHindi nakakulong sa sukat at tugma at iniisip ang sarili. Natuon sa karanasan.

Ang isang halimbawa ay ang Ako ang Daigdig ni 
Alejandro Abadilla:

I
ako 
ang daigdig

ako 
ang tula

ako 
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako
ang walang  k a m a t a y a n g  ako
ang tula ng daigdig

II
ako
ang daigdig ng tula
ako
ang tula ng daigdig

ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig
ng tula

ako
ang tula
sa daidig

ako 
ang daigdig
ng tula
ako

III
ako
ang damdaming
malaya

ako
ang larawang
buhay

ako 
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay

damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula

ako
ang tula
sa daigdig

ako 
ang daigdig

ako
ang tula

daigdig
tula
     ako







Isa pang halimbawa:

Hindi N a m a t a y Si Rizal Para L u m a n d i Ka  (ni Abby Orbeta, Words Anonymous)

November 23, 2009. 
Limampu’t walong katao ang p i n a t a y sa ibabaw ng isang burol sa bayan ng Ampatuan sa Maguindanao.


Tatlumpu’t isa dito ay mga media personnel. 

Ang iba naman ay human rights lawyer at mga babaeng kabilang sa pamilyang Mangundadatu. 

Limang taon na ang nakalipas, wala pa ring hustisya na nakarating sa mga

n a m a t a y  at  n a m a t a y a n.


Limang taon na ang nakalipas mula ng sinabihan ka nya ng:
“I need space. I’m sorry. It’s not you, it’s me.”

Tapos two weeks later, nakita mo syang may bagong kaholding hands sa may Megamall.

Ugh. Ang sakit. Ang sakit. Sakit.

Galit na galit ka noon.

Handa ka nang p u m a t a y.


Limang taon na ang nakalipas,

Limampu’t walong tula, kanta, at kwento na ang nagawa mo tungkol sa kanya.

Tatlumpu’t isa dito ay may temang “sana ako na lang, sana tayo nalang ulit.”

Ilang araw nalang ikakasal na sila,

Nanghihingi ka pa rin ng hustisya.



September 26, 2009.
400 mm ng ulan ang bumuhos sa loob ng anim na oras na


Nagdulot ng malawakang pagbahang naka-apekto sa

Halos apat na milyong tao.

400mm na rin ng luha ang tumulo sa mga mata mo mula nang iwan ka nya.

Mukha ka nang panda.

Hindi yung cute na panda ha. Yung p a n g i t. Kung meron man nun.

Sa laki ng eyebags mo sa kakaiyak,

Nangako ka sa sarili mong magpapaganda ka.

Kasi kapag gumanda ka tiyak na babalik sya.


Apat na milyon na ang nagastos mo sa pagpapaganda, hindi pa rin sya bumabalik.

Sana kumain ka na lang. 
Nagtravel. 


Nagvolunteer para tumulong sa mga nangangailangan.

Ganun.
Sumaya ka pa siguro.



2013 noong tumama ang bagyong Yolanda sa kalakhang Visayas.

Mayroon itong windspeed ng 315 kms per hour.

6,340 ang  n a m a t a y  dahil sa matinding storm surge na dala ng bagyong ito na hindi nila napaghandaan.


Nung gabing iyon nakita mo ang tweet ni Ultimate Pag-Ibig na
Magvovolunteer daw sya sa so and so relief center with his bros.

So punta ka naman dun.
Nakaposturang wari mo’y pupunta ka sa isang piging.


Pagkatapos ng tatlumpung minuto,
Hindi pa rin dumarating si Ultimate Pag-Ibig.

Kaya galit na galit kang umalis, 
315kms per hour kung susukatin ang bilis.
At bumulusok na parang storm surge sa Forever 21
Dala dala ang credit card ni Daddy.


Lampas 6, 430 ang nacharge mo noong araw na yun.

Nagalit ang tatay mo sa laki ng ginastos mo.
Katumbas na raw yun ng grocery nyo para sa dalawang linggo.
Akala nya ipambibili mo ng idodonate sa nangangangailangan

Kaya game na game syang ibigay.
Andami daming nagugutom.

Pero interesado ka lang pala sa vo-l a n d i!
Volunteering while l a n d i-ing.


Sa galit nya tinanggalan ka nya ng cellphone at privilege lumabas ng isang buwan.

Kung makareklamo ka kala mo’y political prisoner ka noong panahon ng Batas Militar.

Sumulat ka rin ng mga tula at kwento tungkol sa freedom
Ala- Ninoy at Joma.

Noong natapos ng isang buwan, nagpasaboy ka rin ng yellow confetti palabas ng bahay

Ala- EDSA 1986.


Sinulat ni Rizal sa isa sa kanyang mga tula na 
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

Naniniwala pa rin ako dun.
Wala man tayo sa panahon ng pagsakop ng mga Espanyol 
O sa diktadura ni ginoong Marcos,
Kaliwa’t kanan pa rin ang isyu sa ating bayan.
Napakarami pa ng ating kailangang bunuin.


Kaya kilos.


Hindi n a m a t a y si Rizal para l u m a n d i ka.


___________________________________________________________

Maaaring makatulong ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang sukat at tugma sa tula? - https://brainly.ph/question/192455
2. Anong kahulugan ng tulang modernista? - https://brainly.ph/question/71701