halimbawa ng pang hinaharap, pang kasalukuyan at pang nagdaan

Sagot :

Halimbawa ng Panghinaharap, Pangkasalukuyan at Pangnagdaan

Ang pandiwa o mga salitang kilos ay may tatlong aspekto. Ang mga ito ay panghinaharap, pangkasalukuyan at pangnagdaan.

  • Ang panghinaharap ay tumutukoy sa mga kilos na hindi pa nagagawa at magaganap pa lamang o gagawin palang. Ito ay gumagamit ng mga panlapi na ma at mag at minsanang inuulit ang pantig ng salita.
  • Ang pangkasalukuyan naman ay mga kilos na ginagawa, nangyayari o nagaganap sa kasalukuyan. Ito ay gumagamit ng mga panlapi na nag, um, in at na at inuulit ang pantig ng salita.
  • Ang pangnagdaan naman ay ang mga kilos na nagawa na, tapos na o nakalipas na. Ito ay gumagamit ng mga panlapi na nag, um, in at na.

Narito ang ilang halimbawa ng panghinaharap, pangkasalukuyan at pangnagdaan:

Salitang-ugat: tulog

Panghinaharap: matutulog

Pangkasalukuyan: natutulog

Pangnagdaan: natulog

Salitang-ugat: linis

Panghinaharap: maglinis

Pangkasalukuyan: naglilinis

Pangnagdaan: naglinis

Salitang-ugat: bili

Panghinaharap: bibili

Pangkasalukuyan: bumibili

Pangnagdaan: bumili

Salitang-ugat: laro

Panghinaharap: maglalaro

Pangkasalukuyan: naglalaro

Pangnagdaan: naglaro

Salitang-ugat: balot

Panghinaharap: babalutin

Pangkasalukuyan: binabalot

Pangnagdaan: binalot

Salitang-ugat: punas

Panghinaharap: magpupunas

Pangkasalukuyan: nagpupunas

Pangnagdaan: nagpunas

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pandiwa, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/416298

#BetterWithBrainly