anu ang kahulugan ng impeachment sa tagalog?

Sagot :

Ang salitang impeachment na nasa wikang Ingles ay may kahulugan sa wikang tagalog na pagpapatalsik.

Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang antas ng pambatasan ay may pag-aakusa laban sa isang opisyal ng gobyerno. Ang impeachment ay hindi mismo nag-aalis ng opisyal sa opisina;  ito ay katulad ng isang pag-aakusa sa batas ng kriminal, at sa gayon ito ay mahalagang pahayag ng mga pag-aakusa laban sa opisyal.

Sa ating kasaysayan ang pagpapatalsik kay dating Pangulong Marcos ang tumatak sa isipan ng maraming Pilipino.

Sino si Marcos?

Si Ferdinand Marcos ay ang ika sampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas na namuno mula Disyembre 30, 1965 hanggang Pebrero 25, 1986. Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas mula at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino.

Pagpapatalsik kay Marcos

Dahil sa pagpatay kay Ninoy Aquino noong 1983 ito ay nagbunga ng galit sa maraming Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa rehimeng Marcos at humantong sa pagpapatalsik sa kanya. Ito rin ay dumagdag sa  pagsususpetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod.

Ang mga opisyal ng pamahalaan ng Estados Unidos ay hindi na sumuporta sa rehimeng Marcos pagkatapos paslangin si Ninoy. Naghanap sila ng mga paraan upang mapatalsik ito. Ang pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ay naglabas ng isang mensahe ng pagsusumamo kay Marcos. Nakasaad dito na walang kabuluhan kung papatagalin pa ang pamamalakad niya ng may dahas, na ang tanging sagot sa krisis ng bansa ay mararanasan lamang sa pamamagitan ng isang mapayapang paglipat sa isang bagong pamahalaan. Si Marcos ay humingi ng payo sa senador ng Estados Unidos na si Laxalt kung dapat na ba siyang magbitiw. Pinayuhan niya ito na dapat na siyang magbitiw at magbitiw siya ng malins. Dahil doon nilisan ni Marcos ang Pilipinas kasama ng kanyang buong pamilya at sila ay nagtungo sa Hawaii.

Doon pinasok ng bagong administrasyon ang Palasyo ng Malakanyang na matagal na ipinagkait sa mga ordinaryong mamamayan sa nakaraang dekada at nagsimula ang panunungkulan ni Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito:Bakit tinawag ng konstitusyong marcos ang saligang batas ng 1973: https://brainly.ph/question/2105822

#LetsStudy