Sagot :
Para sa akin ang mga aral na natutunan ko sa kwentong Ang Hatol ng Koneho ay ang mga sumusunod:
- Matuto kang tumupad sa pangako na iyong binitawan. Halimbawa nanghiram ka ng pera sa iyong kaibigan dahil sa gipit na gipit ka, nangako ka na babayaran mo ito oras na makaluwag ka. Pero dumating ang oras na ikaw ay nakaluwag na at may pera na hinding hindi mo na binayaran ang pera na nahiram mo sa iyong kaibigan.Isang masamang gawa ang ganon kailangan kung mangangako ka tutuparin mo dahlia ng perang hiniram mo ay pinag hirapan din nila. Huwag mong sayangin ang tiwalang ibinigay sa iyo.
- Huwag kang basta magtitiwala kilalaning lubos ang tao sa iyong paligid o pag aralang mabuti ang mga sitwasyon bago ka gumawa ng hakbang upang hindi ka mapahamak.
Ang kwento ng Ang hatol ng Koneho ay tungkol sa isang tigre na nahulog sa hukay. Ilang araw siya sa hukay tiniis niya ang labis na guton akala nga niya ay katapusan na niya. Ngunit meron naawang isang tao sa kanya. Kahit nag aalinlangan ay tinulungan siya nito na umahon sa hukay sapagkat nangako ang tigre na hindi siya nito kakainin at habang buhay na pagtanaw na utang na loob ngunit ng makaahon ang tigre ay nagpasya siyang kainin ang taong tumulong sa kanya dahil sa labis na gutom.nakiusap ang tao na maari kung itanong sa isang puno at isang baka kung tama ba ang pasya ng tigre na kainin siya. Ngunit parehas lamang ang pasya ng dalawa na kainin ang tao dahil umano sila ang nang aabuso sa mga ito. Ngunit dumating ang isang kuneho kinuwento ng tigre ang nangyari at napag pasyahan ng koneho na lubos lamang daw niya itong mauunawaan kung babalik ang dalawa sa kanilang mga dating pwesto.kaya bumalik ang tigre sa hukay at gayon din ang tao sa itaas ng hukay.
Buksan para sa karagdagang kaalaman
Ano ang wakas ng ang hatol ng koneho https://brainly.ph/question/421134
Ano Ang Katangian Ng Tigre Sa Ang Hatol ng koneho https://brainly.ph/question/220542
ANO ANG BUOD NG ANG HATOL NG KUNEHO? https://brainly.ph/question/458203