Ang may gata sa dila ay isang halimbawa ng sawikain na nangangahulugan ng mahusay bumigkas o magsalita/ magtalumpati. Ito ay resulta nang mainam na paghahanda sa pagbigkas ng mga salita upang hindi mapahiya at maayos na maibigkas ang bawat salita at maliwanag na maihatid sa nakikinig. Halimbawa ng paggamit ng salitang may gata sa dila: Ang nagtatalumpati ay may gata sa dila dahil mainam siyang naghanda para sa kanyang talumpati.