ano ang pabula at mga halimbawa nito?


Sagot :

Answer:

Pabula

Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan ng ugali.

Halimbawa ng Pabula

  • Ang Aso at ang Uwak
  • Ang Kuneho at Pagong
  • Ang Matalinong Pagong at Matsing
  • Ang Leon at ang Daga  
  • Si Alitaptap at si Paruparo
  • Ang Buwaya at ang Pabo
  • Si Paruparo at Langgam
  • Ang Lobo at ang Kambing
  • Si Langgam at si Tipaklong
  • Ang Agila at ang Maya

Ipinalalagay na nagsimula ang pabula sa bansang Greece kay Esopo (Aesop), na isang aliping Griyego.

Talambuhay ni Aesop: brainly.ph/question/551388

Nagsimulang sumikat ang mga pabula noong middle ages kaya naman bago matapos ang ikalabindalawang siglo, nailimbag na ang ilang mga koleksyon na naglalaman ng iba’t ibang estilo at daloy ng kwento ng mga pabula.

Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng mga hayop), ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga kwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin. Ang pabula ay kinapupulutan rin ng iba't ibang magagandang aral na maaring maisabuhay ng mambabasa. Ang mga aral na ito ay nagiging batayan sa kabutihan.

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na:

brainly.ph/question/1521274

Layunin ng Pabula: brainly.ph/question/1723521

#BetterWithBrainly