bahay ni kaka di matingala

Sagot :

Answer:

Bahay ni kaka di matingala.

Sagot: Noo

Noo ang sagot dahil kahit anong gawin nating pagtingala ay hindi natin ito makikita.

Explanation:

Bugtong

Ano ang bugtong?

  • Ang bugtong ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan.

  • Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na hulaan.

  • Ito ay maaaring patungkol sa tao, hayop, pagkain o sa mga bagay bagay.

  • Ito ay isa sa mga libangan at kadalasang nilalaro ng mga bata at ng mga nakakatanda.

Mga Halimbawa ng Bugtong

Narito ang ilang halimbawa ng bugtong:

Kung bago ay pula, itim kung luma na.

Sagot: Palayok

Sa silong naglalagi, basa parin lagi.

Sagot: Dila

Bulak na bibitin-bitin, hindi pwedeng balutin.

Sagot: Ulap

Di na dapat pakuluan upang pabulain lamang.

Sagot: Sabon

Bangka ng kumpare ko, paroon at parito.

Sagot: Duyan

Bumili ako ng isang bagay upang pakinabangan. Pag-uwi ko sa bahay, luha ko ay di mapigilan.

Sagot: Sibuyas

Butong binalot ng balat, lamang binalutan ng katad.

Sagot: Mangga

Ang labas ay tabla tabla, ang loob ay sala sala.

Sagot: Patola

Mapa tubig o mapa lupa, dahon ay nananariwa.

Sagot: Kangkong

Ang abot ng paa ko, ay abot din ng ilong ko.

Sagot: Elepante

Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.

Sagot: Langka

Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.

Sagot: Saging

Para sa kahalagahan ng bugtong sa mga tao, alamin sa link.

brainly.ph/question/2470968

Gabay sa paggawa ng mga bugtong:

brainly.ph/question/2347863