Answer:
Kahulugan ng Magahis
Ang salitang magahis ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na gahis. Ito ay isang malalim na salitang Tagalog at hindi kadalasang ginagamit sa araw araw na komunikasyon. Ang ibig sabihin ng salitang magahis ay ang mga sumusunod:
- mahigitan
- matalo
- madaig
- malupig
Sa Ingles ang magahis ay to overcome o to overpower.
Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang "Magahis"
- Upang magahis (madaig) ang kanilang pangamba ay nagpadala ng mga pagkain at kaunting pera ang gobyerno sa kanilang lugar.
- Kailangan mong magahis (matalo) ang iyong takot sa eroplano kung nais mo talagang makalipad at makatrabaho sa ibang bansa.
- Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng ating mga bayani noon magahis (malupig) lamang ang mga mananakop.
Para sa iba pang malalalim na Tagalog na salita at kahulugan nito, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2752020
#BetterWithBrainly