Sagot :
Ang mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina ay ang
pagkakasunud-sunod ng pagpapalitan ng mga pinuno at tagapamahalang
kabilang sa iisang mag-anak o "kabahayan" sa loob ng maraming mga
salinlahi sa bansang Tsina. Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng Tsina,
hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa
isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na
nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya
bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy
magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila.
Bilang karagdagan, nahati ang Tsina sa mahahabang mga kapanahunan ng
kasaysayan, na may iba't ibang mga rehiyong pinamamahalaan ng iba't
ibang mga pangkat. Sa panahong tulad nito, isang nagkakaisang Tsina.
Bilang isang kasong tinatalakay, maraming pagtatalo hinggil sa mga
panahon sa loob at pagkalipas ng kapanahunan ng Kanluraning Dinastiyang Zhou. Ang isang halimbawa ng isang dinastiya na nahati pero gumagamit parin ng parehas na pangalan ay ang Dinastiyang Zhou, na may Silangang Bahagi at Kanluraning Dinastiyang Zhou. Sapat na ang isang halimbawa na maaaring makapagdulot ng kalituhan:
Nilalahad sa nakaugaliang petsang 1644 ang taon kung kailan sinakop ng mga hukbong Manchu ng Dinastiyang Qing ang Beijing at nagdala ng pamamahalang Qing sa mismong Tsina, kapalit ng dinastiyang Ming.
Subalit, inilunsad ang mismong dinastiyang Qing noong 1636 (o maaaring
1616 din, na maaaring nasa ilalim ng ibang pangalan), habang hindi pa
natatanggal ang huling tagapagpanggap ng dinastiyang Ming noong 1662, kaya't hindi tumpak na akalaing nagbago ang Tsina sa isang iglap lamang noong taong 1644.