ano ang langkapan???


Sagot :

Answer:

Langkapan

Ang langkapan ay isang kayarian ng pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa.

Mga Halimbawa:

  1. Mamamalengke mamaya si nanay at ate ng mga prutas at gulay para sa aming tanghalian mamaya.
  2. Maglalaba ka sa umaga at maglilinis ng bahay sa hapon upang maihanda ito para sa mga bisita.
  3. Pupunta ng parke si Jonathan at bibili ng mga bulaklak kung hindi uulan mamaya.
  4. Biniyayaan sina Angel at Mike habang nanalo naman ng patimpalak si Jason kahit kapos silang tatlo sa pera.
  5. Makapapasa talaga siya at makakatanggap ng diploma kung magsisipag sa pag aaral at magtitiis ng hirap.

Iba Pang Kayarian ng Pangungusap

1. Payak

Ang payak na pangungusap ay nagbibigay ng isang buong kaisipan. Ito ay may payak na paksa at payak na panaguri.

Mga Halimbawa:

  • Umalis ng maaga si Emma.
  • Kinain ni Julie ang tinapay sa mesa.
  • Bumili ng bagong bag si Sam.
  • Pumasok sa paaralan si Mona.
  • Nagdilig ng halaman si Nena.

2. Tambalan

Ang tambalan na pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa. Ang dalawang pangungusap ay dinudugtong ng mga pangatnig tulad ng at, ngunit, habang, at subalit.

Mga Halimbawa:

  • Pumunta ng paaralan si Aling Marta habang nasa trabaho naman si Mang Kanor.
  • Aalis sana papuntang Quezon sina Diony at Flor ngunit hindi pumayag ang kanilang mga magulang.
  • Naghanda ng meryenda si Jespher at si Lolit naman ay nagluto ng makakain.
  • Naglilinis ng bahay si Jasmin habang nagwawalis naman ng bakuran si Esther.
  • Naglalaba si nanay ng mga damit habang naglalaro ang bunsong anak na si Ben.

3. Hugnayan

Ang hugnayan na anyo ng pangungusap ay binubuo ng isang malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa at isang di-malayang sugnay o sugnay na di makapag-iisa. Kadalasan, ang “kung” ay ginagamit pandugtong sa dalawang sugnay.

Mga Halimbawa:

  • Kung hindi man ngayon, baka bukas magbabayad na siya ng kanyang utang.
  • Kung umalis siya kanina ng maaga, malamang nakarating na siya sa Maynila ngayon.
  • Hindi mo rin maabutan si Prince kung pumunta ka.
  • Makakapasa ka sana sa pagsusulit kung nag-aral ka ng maayos.
  • Hindi ka sana magkakasakit kung hindi ka naligo sa ulan.

Para sa karagdagan pang Kaalaman i-click ang mga link sa ibaba:  

Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap: brainly.ph/question/6843  

10 Pangungusap ng Pakiusap o Pautos: brainly.ph/question/546516  

Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit: brainly.ph/question/2137014  

#BetterWithBrainly